ikakasal na siya

Ikakasal na siya.

Nababalot ng pulang rosas ang mga silya. Hindi naman ganuon kaliwanag ang mga ilaw na kulay rosas din. Ramdam ang pagkaromantiko ng dalaga’t binata na sumasabay sa banayad na
indak ng paboritong kanta si Anna. Kaunti lang naman ang bisita. Hindi sila nagimbita ng napakarami, yung mga malalapit lang sa kanilang puso. Pero ‘yun na yata ang
pinakamagandang engagement party na napuntahan ni Anna. Hindi. Ang totoo, unang beses pa lang nyang makadalo sa ganong pagtitipon. Hindi siya mahilig sa pagtitipon.
Pakiramdam nya hindi sya bagay sa mga ganong kaganapan. hindi rin siya sanay mapaligiran ng mga taong hindi pamilyar sa kanya. Nanlalambot sya at naiilang. Nalulungkot.
Pero wala nang mas lulungkot pa sa kinatatayuan ng nya sa mga sandaling iyon. Hindi sya sigurado kung ang simoy ng hangin na mula sa bukas na pinto o ang pader na
kinasasandalan nya na pader sa may pinto ng malawak na silid ang nagpapalamig sa kanyang buong katawan. Sinubukan nyang umalis sa pagkakasandal sa pader at tumayo ng
tuwid sa takot na magmukha siyang kakaiba sa pagtitipon, pero hindi niya magawa. Mangangatog ang tuhod nya na parang matutumba kung aalis sa kinalalagyang posisyon.

Nanatili siya sa ganung posisyon sa loob ng mahigit 10 minuto. Hindi nya malaman kung gusto nyang mapansin o kumupas ang kulay at humawa sa dingding. Basta
kumportable siya sa ganong tayo. Nang mamatay ang mga ilaw, nagbukas na ang projector, at siya namang paghugot nya ng sapat na lakas upang tumayo mula sa pagkakasandal,
tumalikod at lumakad papalayo sa nasabing silid. Lumabas na rin siya sa gusaling katatagpuan ng nsabing pinagaganapan ng pagtitipon. Masyadong malawak ang siyudad
para sa katulad nyang sanay sa mga pamilyar na mukha sa probinsya. Madilim na rin kaya umupo muna siya sa hagdan paglabas sa entrance door ng gusali.
Naupo saglit at naghintay sa pagbabalik ng lakas na nagtulak sa kanya kanina papalayo sa unang pintong inalisan nya.

Samantala, pinapanuod ng mga bisita at ng magkasintahan ang video presentation ng mga kaganapan ng gabing yun. Masaya panuorin yung video. May mga candid shots ng
mga nagkakasiyahan at nagbibiruang mga bisita. Nagkyakapan ang mga babaeng bisita sa ikakasal na bride at masayang nagkkwentuhan ang mga lalaki ksma ang groom.
Lahat ay umaapaw ang ligaya, bukod sa isang nahagip ng camera. Nakangiti sya. Pero may iba. Dapat masaya siya kasi malapit silang magkaibigan. Pero iba talaga.
Nagtaka ang groom.

GROOM : (sa isip) Nandito sya. (bumulong) Hon, saglit lang. May pupuntahan lang ako.

Ipinaling ang tingin sa kanyang nakababatang pinsan.

GROOM: Sher, andito siya. Nasan sya? Bakit sya nandito?
SHER: Huh? Sino kuya?

Nagpunta sila sa isang sulok ng silid at binalikan ang bahagi ng video kung saan nakita niya ang isang di inaasahang bisita.

SHER: Aba oo nga. Inimbita ko siya kasi miss ka na daw nya eh. Pero hindi ko alam na makakarating siya.
GROOM: Tingnan mong mabuti. Tears of joy ba yan?
SHER: Kuya, kilala ko yan. Hindi tears of joy yan.

Hinanap ng magpinsan ang naturang bisita sa buong silid. At sa mga katabing silid. tatakbong nagtungo si Sher sa ladies’ room. Wala.
Nakarating si GROOM sa lobby ng gusali. Sa pagaakalang umalis nang walang pasabi ang bisita, iniikot sa huling pagkakataon ang tingin sa buong paligid at natigilan.
Napako ang tingin sa isang babaeng naka itim na tshirt at maong na pantalon na nakayukod sa pagkakaupo sa isang dulo ng pinakamataas na baitang ng hagdan paglabas
ng lobby. Alam nyang pamilyar ang kulay ng buhok ng babae. Lumabas siya at makailang beses ding sinipat-sipat ang babae na hindi naalis sa pagkakayuko ng ulo sa tuhod
habang nakaupo. Alam ng GROOM na hindi normal kayanin ng isang normal na tao ang ganung klase ng ginaw ng sementong kinauupuan ng babae kaya napagdesisyunan nyang
lumakad papalabas sa glassdoor at kausapin ang kaibigan.

GROOM: Hey!

Dagling pagtunghay ng dalaga. Subalit ilang segundo pa ang kinailangan nya upang magkasapat na lakas upang ipaling ang tingin papunta sa pinggalingan ng pamilyar na
tinig. Inisip muna niya na baka hindi siya ang tinawag. Nakiramdam. Pero malinaw pa ang pandinig nya. At alam nyang wala pang isang dipa ang layo ng pinaggalingan
ng tinig. Dahan-dahan muna syang tumayo saka pumihit pakaliwa.

GROOM: Hey (pabulong)
ANNA: Huy! Hindi ko nasabi kay Sher na makakapunta ako. Inimbita nya lang ako. Papasok sana ako, kaya lang malamig pala sa loob. Malakas yung aircon. kaya lumabas
muna ako.

Kapansin-pansin ang paperbag sa tabi ni Anna. Sa lapit nila sa isa’t isa, kitang kita ng binata na sandals at kulay pulang tela ang laman ng paperbag. Sinundan ng tingin ni
Anna ang tinitingnan ng GROOM. Hinila papunta sa likuran ng kanyang mga nangangatog na binti ang bag gamit ang kanyang paa habang hindi gmagalaw ang ibang bahagi ng
katawan. Pagbalik ng kanyang tingin sa mga mata ng binatang kaharap, muli siya nagpaliwanag.

ANNA: Ang totoo, handa ako. Alam ko dapat nakadress. Nagdala ako. Magpapalit sana ako kaya lang yun nga malamig. Hindi ako sanay magdress, alam mo yan.

Hindi natatawa ang binata sa biro ni Anna. Walang kagatol gatol ang titig ng binata. Sa mata lang. Hindi rin siya gumagalaw.

ANNA: Awkward.. hehe. hindi ka ba magsasalita? (pilit na masayang tono ng pagsasalita)
GROOM: Pasensya na hindi ko nakwento sayo. Matagal tayong hindi nagkita. Sorry, huh?
ANNA: Hindi mo naman ako nanay. Hahaha. Hindi ko kelangan malaman lahat.. lahat-lahat.
GROOM: Nakita kita sa video. Bakit ka umiiyak?
ANNA: Ha? ako umiiyak? … uhm.. nako hindi naman. sig…siguro.. uhm.. malabo yung camera. O malayo ako masyado… ano un… nagkusot lang ako ng mata. Bat ako iiyak?
GROOM: Oo nga bakit ka iiyak?

Hindi na makatingin ng deretso si Anna sa kaibigan na ngayon na lang niya nakausap pagkatapos ng mahigit 1 taon.

ANNA: So, kelan?
GROOM: 2 months away from now.
ANNA: Para sa inyo matagal pa yun kasi naiinip kayo makasal. Excited eh. Pero saglit nalang un promise.

Hindi alam ng binata kung anong isusunod sabihin para makapagpanggap na maganda ang katatapusan ng usapan. Ilang segundo ding naging nakabibingi ang ingay ng kalsada
sa harap ng gusaling kinatatayuan ng dalawang pipi. Binasag ng binata ang katahimikan, na pareho nilang alam na hindi nakakapagpagaan sa mabigat na sitwasyong
kinalalagyan nila sa mga sandaling iyon.

GROOM: Masaya ka ba para sa akin?
ANNA: (sabay paling ng tingin sa humarurot na motor) Oo naman! tropa tayo diba? (napako ang tingin sa basa at umuusok pang kalsadang dinaanan ng motor)
Matagal mo na yang hinihintay. Masaya ako para sayo.. sa inyo… kaya nga sinas…
GROOM: Edi tumingin ka sa mga mata ko. Tapos sagutin mo uli ung tanong ko.
ANNA: (mabilis na paling ng tingin sa kaibigang halatang naiinis na) Hala! Anong drama mo? Hindi na yan bagay sa edad natin. Lalo na sa edad mo. Haha!
GROOM: Ako ang nasa mahirap na sitwasyon ngayon. Kaya hindi ako ngingiti para iconsole ka, kagaya ng lagi kong ginagawa pagnagve-vent ka skn bout your issues.
At gusto kong malaman mo na hindi ako lagi nagbibiro.

Siya na rin mismo ang unti-unting nagpahupa ng tawa nang mapansing ni hindi ngumingiti ang binatang kaharap habang binibitawan ang naturang mga salita.
Hindi kayang languying na isang normal na tao ang lalim ng pagkakalunok ni Anna, at hindi kayang habulin ng atletang mananakbo ang bilis ng tibok ng puso at pulso niya sa muling
panandaliang katahimikan.

Sa takot na hindi na siya makagalaw sa kinalalagyan nya, dahan-dahan at nakangiting tumunghay ang dalaga at ipinako ang tingin sa mga mata ng binata. Sinubukan nya
payapain ang isipan at ipanatag ang kalooban sa loob ng ilang segundo. Konti na lang masasabi na nya. Pero naunang nangilid ang luha nya kesa lumabas ang mga salitang
alam nyang dapat lumabas sa bibig nya sa mga oras na yon. Dagling iniyuko ang kanyang ulo…

ANNA: Ay teka, tanggal na naman ang pagkakabuhol ng sintas ko…

Sabay pagyukod upang ayusin ang sintas ng sapatos.

ANNA: Alam mo hind kasi to sakin. Hirap akong isintas. Makapal ang sintas nito tapos mejo matigas na, mahirap tuloy ibuhol.
Ayoko naman bumili ng sarili kong sapatos. Alam mo naman, kuripot to eh, hiram-hiram lang haha. (isang malalim at pigil na hikbi) Sa mama ko to.
At tingin ko kelangan ko na to iuwi ng maaga nang malabhan at maisoli ko ng buhay .. hmmm.

Sapat lang ang tagal ng pagatol-gatol na pangungusap na ito ni Anna upang mapahid ng palihim ang mga luhang hindi na nya kinayang itago.
Sa pagtunghay, alam nyang trinaydor sya ng sariling mga mata. Lumuha pa rin siya. Pero sinamahan nalang ng dalaga ng ngiti.

ANNA: O yan tears of joy.

Nang makita ang malungot na mga mata ng ikakasal na kaibigan, sa espesyal na araw ng kanyang buhay…wala nang nagawa ang dalaga kundi hayaang kusang dumaloy at
mapatid ang kanyang mga luha na ilang minuto na ring nagppumiglas. pakiramdam nya, mawawala sya sa ulirat pag hindi pa nya pinakawalan ang nararamdaman.
Pigil ang hikbi pero walang patid ang pagtulo ng luha. Mga ilang segundo. Gustuhin man ng binatang yakapin at patahanin ang dalaga, hindi pwede. Ikakasal na siya.
Hindi pa man tuluyang natutuyo ang luha sa pisngi ng dalaga, sinubukan na nyang sabihin ang mga salitang, bagama’t labag sa loob nya, ay alam nyang nararapat lang na
sabihin nya sa ganuong pagkakataon.

ANNA: Masaya ako para sa’yo. You deserve to be loved, because you are the most loving person I’ve ever met.

Sa muling pagyuko ng dalaga, isinukbit na sa braso ang paperbag, tumalikod at naglakad palayo. Pagkalampas sa huling baitang ng hagdan, lumingon sya na may mas
maliwanag na ngiti.

ANNA: Ipaabot mo na lang kay Sher yung kopya ng kanta. Sabi mo saken, nasa isip mo ko nung isinusulat mo yung lyrics. Gusto ko marinig. Iintayin ko, ha.

Tanging ngiti lang ang naisagot ng binata. Hindi maipihit ang katawan pabalik sa kasiyahang matagal din nyang pinaghandaan. Sa muling pagtalikod at palayong paghakbang ng dalaga, alam nila pareho na iyon na ang huli. Simple lang. Pag binitawan mo na, hayaan mong umalis. Pag tinalikuran mo na, deretso lang ang tingin, wag mo na lingunin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s